Thursday, May 21, 2009

Di ko Maintindihan Asawa Ko!!!



Hay naku nakakainis bakit kaya ganun asawa ko may kinuwento ako sa kanya tungkol sa nangyari na napili akong muse sa PTCA hay naku mukha pang asar sya sabi ba naman...IKAW NANAMAN? YUNG IBA NAMAN......di man lang ako makaramdam na nagiging proud sya sakin kahit papano..nainis pa sya nakakainis talaga....Buti pa yung ibang mga asa-asawa ng iba jan pinaparamdam nya na proud sila sa asawa nila kahit anong mangyari....Kakaingit naman yung ganun,lalo yung mag asawa na bihira mag away,sya naman konting mali big deal sa kanya nakaksawa na talaga naiinis ako..Di naman sya dating ganun buti pa nung mag boyfirend kami bawat desisiyon ko sumasangayon sya eh ngyon naku ang daming comment.....kailangan meron din syang kanya...In short ayaw nya mag patalo kakaiba talaga sya di pa magbigay kalalaking tao. Saka sya pansin ko sa kanya di sya makatagal sa trabaho madali syang mag sawa....lagi nyang sinasabi n pagod n sya gusto nya ng umuwi laging ganun.....lahat naman ng nagtatrabaho napapagod may mas masahol pa sa kanya ang sitwasyon,at least sya nasa opisina..... Bahala na nga kung anong klaseng buhay ang mangyayari samin.... Nakakasawa na rin kasi minsan,pagod na rin ako sa kakaisip.....Bakit kasi ganun...???? Di ko sya maintindihan sala sa lamig sala sa init ...ah ewan muryot na muryot na din ako sa kakaisip.....Kahit mahal k sya parang unfair mga pinapakita nya sakin...ah ewan ko..basta yun na yun ......KAINIS!Di ko maisigaw mga gusto ko sabihin at mag aaway lang ...kakadepress talaga.....

No comments:

Post a Comment