Sunday, May 24, 2009

Tulong naman pls...


Nandito nanaman ako........As ussual problema nanaman...Payuhan nyo naman ako,Bakit tlga ganun asawa ko lagi nalang mainit ulo nakakairita na talaga,kakapagod lagi na lang kami nag aaway sa chat.kesyo pagod na daw sya dun kaya sya laging ganun,homesick,puno na utak nya kakaisip kaya di makaintindi...lagi na lang yun sinasabi nya.konting bagay galit na galit nanggagalaiti sa galit,ang mga word nkakainis kala mo di asawa kausap buti pa nga mga barkada nya mas nagkakaintindihan sila mas iniintindi nya...Bakit ganun minsan gusto ko ng mag give up kaso iniisip ko rin mga bata,ganun pala yun mahirap pag may anak kayo,di nman ako makasarili pano mga anak ko mawawalan ng ama.Ang hirap kakapagod na!Di sya makaintindi eh sya ang lalaki....huh!Ayaw na magtrabho sa abroad...gust
o n d2 sa pilipinas.Kaso pag nand2 ayun maghapon sa barkada sa gabi inuman pa ah ewan ko!naiinis talaga ako sobra....sobra akong naiinis...sarap magpakamatay bwisit tlaga!Sawang sawa na ako sa mga paliwanag nya n paulit ulit lang naman sinasabi...Sino ba dyan ang may mga asawa sa Saudi sana may makabasa nito at payuhan ako....maloloka na ako sa kakaisip as in....
Ang hirap mg kwento sa knya wag daw mgkwento ng isa pang isipin...ano ba yan wag n daw sabihin pag may sakit mga bata....pwede ba naman yun eh san naman ako kukuha ng pera ....Hay naku ayaw ko na pagod n ako...naku ....naku....buhay nga naman buti na lang may blogger at least kahit papano may nasasabihan ng sama ng loob ko n sobrang punong puno na...cge next time ulit...sana magnda na next time ang topic ...

Thursday, May 21, 2009

Di ko Maintindihan Asawa Ko!!!



Hay naku nakakainis bakit kaya ganun asawa ko may kinuwento ako sa kanya tungkol sa nangyari na napili akong muse sa PTCA hay naku mukha pang asar sya sabi ba naman...IKAW NANAMAN? YUNG IBA NAMAN......di man lang ako makaramdam na nagiging proud sya sakin kahit papano..nainis pa sya nakakainis talaga....Buti pa yung ibang mga asa-asawa ng iba jan pinaparamdam nya na proud sila sa asawa nila kahit anong mangyari....Kakaingit naman yung ganun,lalo yung mag asawa na bihira mag away,sya naman konting mali big deal sa kanya nakaksawa na talaga naiinis ako..Di naman sya dating ganun buti pa nung mag boyfirend kami bawat desisiyon ko sumasangayon sya eh ngyon naku ang daming comment.....kailangan meron din syang kanya...In short ayaw nya mag patalo kakaiba talaga sya di pa magbigay kalalaking tao. Saka sya pansin ko sa kanya di sya makatagal sa trabaho madali syang mag sawa....lagi nyang sinasabi n pagod n sya gusto nya ng umuwi laging ganun.....lahat naman ng nagtatrabaho napapagod may mas masahol pa sa kanya ang sitwasyon,at least sya nasa opisina..... Bahala na nga kung anong klaseng buhay ang mangyayari samin.... Nakakasawa na rin kasi minsan,pagod na rin ako sa kakaisip.....Bakit kasi ganun...???? Di ko sya maintindihan sala sa lamig sala sa init ...ah ewan muryot na muryot na din ako sa kakaisip.....Kahit mahal k sya parang unfair mga pinapakita nya sakin...ah ewan ko..basta yun na yun ......KAINIS!Di ko maisigaw mga gusto ko sabihin at mag aaway lang ...kakadepress talaga.....

Sunday, May 10, 2009

Buhay May Asawa



Hello nag chat kami ng asawa ko napag usapan namin yung tungkol sa work nya hay nku maybe hanggang feb or march na lang sya mawawalan uli sya ng work,Gusto nya n daw mag exit pagod na daw sya dun sa work nya at balak nya mag apply sa ibang company,as if naman ganun lang kadali maghanap ng work......homesick na daw kasi.kailangan intindihin na lang para di na lang mag away para walang gulo.Kung pwede lang sana ako magtrabaho sana kahit ako na lang kaso bata pa mga anak ko di pa pwede iwanan kawawa naman wala mag aasikaso sa kanila ng maayos.Saka di ko pa sla kayang iwanan ...Sana naman makahanap ng magandang work asawa ko hirap ng walang income lalo pag may mga anak na....hirap kaya buhay ngayon krisis na krisis..
Minsan tumataya ako sa lotto sa kagustuhan ko manalo para sa pamilya ko .Ngayon ko lang naisip na mahirap nga pala ang buhay may asawa,madami kang responsibilidad na dapat mong gawin na hindi mo dapat ipagpaliban.di pwedeng di mo pakakainin mga anak mo sa tamang oras,dapat well groomed sila palagi,tuturuan mo ng mabubuting asal at kung ano ano pa,nung high school at college ako ang pinoproblema ko lang kung pano makagimik minsan di makatakas kasi bawal may curfew....akala ko nun ang laki laki na ng problema kung yon....ngyon ko lang narealize na grabe napaka liit na problema lang pla nun....Ngayong may pamilya na ako dito ko nararamdaman ang tunay na problema.Pero kahit ganun masaya naman ako lalo sa mga anak ko...
Kaya yung mga gustong mag asawa jan dapat siguraduhin nyo muna wag yung go ka lang ng go baka di mo alam pinapasok mo....

Ito ang maga dapat gawin bago mag asawa:



1.Siguraduhin mo munang sawa kana sa buhay dalaga o binata bago ka mag asawa.....BAKIT? kasi baka naman kung kelan na kayo mag aswa saka ka naman nagbubuhay binata o dalaga gimik d2,lakwatsa dun,umaga na kung umuwi,fling d2 fling duon...di ba ang hirap naman nun pag ganun asawa mo...
2.Kilatisin mo muna ang tunay na ugali ng mapapangasawa mo bago mo pakasalan....BAKIT? malay mo nagpapanggap lang sya na mabait kuno yun pala gusto ka lang mapagsawaan ,yun pala nanakitpag galit kunbga pakitang tao lang sya nung mag jowa pa lang kayo yun na yun!
3.Pag isipin mo ng maayos kung sya na ba talaga o may hinahanap ka pang iba.....BAKIT? syempre naman noh kesa nman mgsisi ka bandang huli dahil napag isip isip mo n di pala sya dapat napangasawa mo kasi gnito kasi ganun...mhirap kaya yun n sa huli kana magsisisi kaya dapat pag isipan mo muna.
4.Siguraduhin nyo munang mahal nyo ang isat isa at walang lihim sa bawat isa...BAKIT? mahirap na kung di mo pla mahal yung mapapngasawa mo dpat yung sigurado mmya my mkita k jan n mgnda o gwapo bigla mwala pgmmhal mo sa asawa mo msakit yun noh!
5. Isa pa dapat may ipon na kayo or savings bago mag asawa....BAKIT? mahalaga yun kesa naman iasa nyo nalang lahat sa mga magulang nyo mganda namn yung may sarili na kayong savings....
6.Dapat hindi na lang puro sex ang nasa isip ng mapapangasawa nyo ....BAKIT?baka naman pag di mo mapag bigyan maghanap ng ibang mapag paparausan hirap nun sex lang ang gusto....dapat may LOVE din...
7.Ito na ang huli,Dapat tanggap ng both sides family or parents ang relasyon nyong dalawa parang walang hassle para mas masaya ang pagsasama nyo.

*ang pag asawa ay hindi parang isang kanin na isusubo mo na pag napaso ka at mainit basta mo na lang iluluwa
*

Myspace Graphics

Happy Mother's Day



Happy Mother's Day sa lahat ng mga mommy,mama,nanay,inay,ina mudra...kahit anong tawag pa natin sa kanila iisa pa in ibig sabihin nun..na nagiisa pa rin ang ating ina na pinakamamahal natin.


Myspace Graphics

Sino sa atin ang may sama ng loob sa kanilang mga ina..”wag kang lalabas at maglalaro hanggat hnd mo na gagwa yang assingment mo”..”umuwi ka ng maaga baka gabihin ka”,.”wag kang kumain ng tsittirya” ..”matulog ka ng maaga at may pasok bukas” .ilan lng yan sa mga sinasabi ng ating mga ina nung tayoy mga bata at alm nmn natin na sa tuwing sasabhn yan ng ating ina ay na iinis tayo o di kayay nagagalit,db?marami parin sa atin ang hnd nakakintindi bakit sila ganto….naisip nyo naba kung ano ang pakiramdam ng magdala ng buhay sa loob ng tiyan ng 9 na buwan,,hnd pa yan, naisip nyo narin ba na nasa tiyan na nga tayo at nag papa buhat eh sinisipa pa natin ang mga lamn loob ng ating ina…na isip rin ba natin na kung gaano kasakit ang ating paglabas sa loob nila,?at ngayun tayo nasa labas na naisip ba natin kung gaano kadaming sustansya ang kinukuha natin sa kanila buhat sa gatas,,naisip din ba natin kung gaano sila napapgod sa pag pangko minuminuto sa atin..sa pagpuyat..sa pag bantay sa mga lamok na handang salakayin tayo sa oras ng ating pag tulog...naisip din ba natin kung gaano sila napapagod sa pag turo sa atin ng ating unang pag gapang unang pag tayo unang pag hakbang,,hnd sila napapgod dahil mahal nila tayo…at naisp din ba natin kung gaano sila na papagod sa pag iintindi sa mga sinasabi natin kasi bulol pa..at mga kwentong pa ulit-ulit natin tungkol sa ating mga laruan..at ngayung tayo mga mag aaral na,hnd pa rin tayo nakaklimutang pabaunan,hatid sundo pa,,,at habang ikaw ay nasa eskwela nasa bahay namn sya at nag lalaba ng mga damit mong sobrang dumi dahil sa kalalaro…..ngayung tayo mga binatat dalaga na,,konting paalala sa atin kinokontra kagad….konting utos dabog kagad…konting saway dipinsa kagad sa sarili at laging tama….konting galit ng ating ina sisigaw na at lalaban pa…na isip ba nating kung gaano kasakit sa ating mga ina ang ginagwa nating yan sa kanila sa pag sigaw palang natin sa kanila hnd man nila aminin alam na tin na sobrang sakit sa kanila….at ngayung sila ay may edad na konting lambing sayo iritado ka na,,konting pa tulong sayo para siya ay makatayo dahil mahina na ang tuhod pagod ka na..hnd lang marinig ang sisanbi natin dahil mahina na ang pandinig ma iinis na,,,,,,wala yang mga ginagwa na tin kumpara sa kanilang ginawa,,ang ina ay nag iisa lang yan,aminin nating lahat mawala na ang sampung tatay wag lang ang isang ina.,,,,,,kaya ngayung araw nila nasan man sila malayo man kayo tawagan natin,,kahit mahal pa ang maging bill walang katumbas na kaligayahan ang magiging dulot niyan sa kanila kung kakuspin natin,,at sa mga nasa bahay namn yakapin nating ang ating ina ipadama natin sakanila na sila ay nag iisa at dakila,,at sa mga wala ng ina paumnhin po.pero hnd yan balakid para Ipaalam sa kanila na mahal natin sila,,kauspin natin sila at kahit sila ay wala na ditto sa mundo sila ay maiiwan dito sa ating mga puso….at sana lagi natin silang alalahanin hnd lang ngayun na araw nila.MALIGAYANG ARAW NG MGA INA sa lahat ng mga ina sa mundo!!!

Thursday, May 7, 2009

Saudi Arabia facts and myths .............(basahin:para sa mga babaeng nsa saudi ang asawa o jowa)


  1. Hindi nagbabago ang conversion rate ng pera nila sa US dollar.
  2. Super init sa summer, malamig naman sa winter. Walang season na in-between ang lamig at init.
  3. A foreigner driver is always the one at fault in any car accident, kahit kung siya ang binangga. Ang logic nila dito, kung hindi ka pumunta ng bansa nila, hindi ka sana nila nabangga.
  4. It is a crime to attempt suicide. Kung nag-attempt ka na magpatiwakal at hindi ka namatay, makukulong ka. Nasaksihan ko ito nung mag-slash ng sariling leeg ang isang kasamahan namin. Di siya namatay. After sa ospital sa kulungan naman.
  5. They use a different calendar which is around 600 years younger than ours. Sa ating kalendaryo 2006 na. Sa kanila year 1427 pa lang.
  6. Umpisa ng week nila is Saturday. Biyernes doon, walang pasok. Parang Sunday sa atin.
  7. Kung magsulat sila from right to left, except when writing numbers, which are written from left to right same as our way of writing.
  8. Bawal mag-usap ang babae at lalaki na hindi mag-asawa sa public places.
  9. Bawal din tignan ang babae na may kasamang asawa. Pwede kang bugbogin o isumbong sa pulis.
  10. Censored ang lahat ng palabas sa TV. Maging ang mga magazine. Ang mga advertisements halimbawa ng shampoo o sabon na may picture ng mga babae na litaw kahit legs lang, sinusulatan ng pentel-pen.
  11. Wala akong nakitang sinehan doon.
  12. Sa mga buses nila, ang mga lalaki nasa harapan. Ang mga babae nasa likuran. May division ang mga bus para di magkakitaan ang babae at lalaki.
  13. Bawal pumasok sa mga tindahan ng mga alahas at ginto ang mga boys. Babae lang ang pwede.
  14. If you want to meet girls, dapat magpa-ospital ka muna. Kasi doon maraming nurses.(OMG baka kya laging nsa clinic aswa ko...hehehe )
  15. Delikadong maglakad nang nag-iisa ang mga lalaki lalo na kung gwuapo, maputi at walang facial hair. Bakit kaya?
  16. Bawal ang sugal doon. Pero may jueteng. Mga Pinoy ang kubrador at jueteng lord.
  17. Marami na rin sa mg Arabo ang marunong mag-tagalog. Pagpasok mo sa kanilang tindahan babatiin ka ng “magandang umaga, kabayan”.
  18. Heto pa siguro ang natutunan nila sa mga Pinoy. Tumatanggap na rin daw ng lagay ang mga highway patrol. I haven’t witnessed this though.
  19. Kapag nahuli kang gumawa ng krimen, you are assumed guilty until proven innocent.
20.Kapag nahuli kang nag-nakaw, puputulan ka ng kamay. Kung adultery o rape naman, puputulan ka ng …NOTA......ewwww katakot noh

Wednesday, May 6, 2009

love songs medley

Best songs ever!I love the mixes of this songs ...

Pinoy Gay Lingo


PROPER NOUNS
Ace Sanchez - a top
Aglipay - ugly Pinay ( jowang pokpok na chaka ng mayaman na foreigner )
Ana, Anaconda - ahas, traidor
Anita Linda, Aida - A.I.D.S.
Ate Vangie - gamot pampatulog (Ativan Gang)
Ate Vi - atrebida
Backstreet Boys - cute guys sa likuran mo
Bayombong, Nueva Viscaya - masturbate
Bebang, Mayta - maid
Blusang Itim - mga bakla na gumanda nang maayusan sa parlor
Cathy Santillan, Kate Gomez, Cathy Mora, Cathy Dennis - makati, malibog
Chabelita - chubby
Chanda Romero - tummy (ang laki ng Chanda Romero nung pulis) / an old woman
Chiquito - maliit
Churchill - sosyal
Crayola Khomeni - iyak
Dakota Harrison P! laza - malaki birdie
Debbie Gibson - give
Duty Free - maliit ang nota
Ella Mae (Saeson), Ella Fitzgerald, Ella Luansing - state of feeling horny
Eva Kalaw - evak
Felix Bakat - bakat ang birdie (sa brief or pants)
Girlie Rodis - babae
Givenchy - give, pahingi
Halls - tsupa
Indiana Jones - hindi sumipot
Janjalani, Pocahontas - bakla na palaging late o indyanera
Jennilyn (Mercado) - cheap, chaka
Joana Paras - asawa
Julanis Morisette, Reyna Elena - umuulan
Julie Andrews - mahuli
Kelvinator, Kelvina - babaeng mataba, sinlaki ng refrigirator
Leticia Ramos Shahani - shabu
Lilet - bading na bagets
Lucita Soriano - loss na, sorry pa
Lucrecia Kasilag - baliw
Luz Clarita, Luz Clarita, Luz Valdez - talo, loss ang beauty
Maharlika, Mahalia Jackson - mahal
Manilyn Reynes - malibog
Miss Nigeria - negra
Murriah Carey, Morayta - mura
Nora Daza - magluto
Oprah Winfrey, O.P.M. - oh, promise me, pangako, utang
Phil Collins - Philcoa
Purita Kalaw Ledesma, Purita Kashiwara, Pureta Malaviga - poor, dukha
Rica Paralejo, Nina Ricci - mayaman
Rita Gomez - naiirita
Ruffa - laklak
Siete Pecados - tsismosa
Thunder Cats - gurang
Tom Jones, Tommy Lee Jones - gutom
Uranus - puwet
Washington D.C. - wala
X-Men - mga dating lalaki
Yayo Aguila - dyahe
Zsa Zsa Padilla - o siya, sige!

ADJECTIVES & ADVERBS
48 years - sobrang tagal
antibiotic - antipatika
balaj, valaj - balahura
bella - boba
bigalou - big
biway, chopopo, guash - gwapo
bongga, bonggakea - super to the max
borta - malaki katawan
boyband - lalaking sintaba ng baboy
buya - nakakahiya
chaka, chuckie, shonget, ma-kyonget, chapter, jupang-pang - ugly
cheapangga, chipipay - cheap, ka-cheapan
chipipay - cheap
chopopo - gwapo
conalei - baklush
daki - dako
dites - dito
doonek - doon
effem - halatang bakla
emena gushung - malanding semenarista
fayatollah kumenis - payat
ganda lang - for free
ganders - maganda
intonses - sira, wasak
jongoloids - bobo
jowa, jowabelles, jowabella - karelasyon, boyfriend o girlfriend
jutay, juts - maliit
kabog, loss - talo!
katagalugan - matagal
katol - mukhang katulong
kirara - pangit / maitim
klapeypey-klapeypey - pumalakpak
krang-krang - hungry (same as Tom Jones)
krung-krung - sira ulo, baliw
lulu, tungril, tetetet - lesbian
mahogany, mashumers, ugmas - mabaho
majubis - mataba / gusgusin
matod - magnanakaw
nakakalurky - nakaka-shock, nakaka-takot
neuro - napaisip bigla, mind-boggler
oblation - walang saplot
otoko - lalakeng lalaki
pamin, paminta, pamentos, pamenthol - discreet gay guy
pinkalou - pink
pranella - praning
quality control - maganda ang quality
sangkatuts - marami, isang katutak
shala - sosyal
shogal - matagal
shokot, bokot - takot
shonga, shongaers, planggana - tanga
shonga-shonga - tanga-tanga
shonget, makyonget - ugly
shontis - buntis
sudems - never
tamalis - tamad
urky - nakakaloka
warla - loka-loka, nawawala sa sarili, nababaliw
wasok - contraction ng "wasak pag pasok"
wiz, waz - wala!
wrangler, thunder(s), tanders, majonders – matanda

NOUNS, PRONOUNS AND PREPOSITIONS
adez, andabelz, adesa, anda, ka-andahan, andalucia - pera
akesh, akembang - ako
badet, dinga, dingalou - bading
berru - beer
borlog - tulog, power nap
bottomesa, bottones - a bottom
bufra - boyfriend
carrou, carosa - car
cheese - chismis
chimi, chimini, chimi-aa, chimini-aa - maid
constru - construction worker
daot - ahas, traitor
ditey, ditich, ditraks - dito
feelanga - crush
fiampey - singit, birdie, flower
garapata - vaklush na punggok na majubis
gardini - security guard
oishi - shabu
gulay, pechay, bilatch, tahong - babae
hada - oral gay sex
hammer - pakonyo effect sa mga prosti or callboy, "pokpok"
havana - mahabang mukha
hipon - maganda ang katawan pero panget
itich, itechlavu - ito
itich-me-how - birdie
jipamy - jeep
jowa, jowawis - lover, boy/girlfriend
jubelita - vaklita, batang bading
kat-kat - sosyal na tawag sa katulong
katol, chimay - katulong
kyota - bata
kyotatalet - sanggol
likil, mentos, future - lalaki
merlat, melat, bilat, mujer - babae
nota, notes - penis
pa-uring - a bottom
performance artist - mahilig mag-inarte
potato queen - chink for chinks
red alert - menstruation
rice queen - chink folks who go for white guys (?)
colbam, sholbam - callboy
shulupi - pulubi
shumod, shumodity - tams
suba, bugarou - cigarette
success story - babae/lalaki na mukhang katulong na may lover na foreigner na masalapi
katuray - baklang mukhang katulong na mataray
tayelz - tayo
variables - barya, coins
wigwam - wig

1st Time ko magblog....


hello.....

I'm a mom to an 7 years old boy,and a 3 yrs old boy again. My husband is a OFW.I really love my family.And i really want to cook different dishes....

Im Shattered actually matagal ko ng gusto mag blog kaso dko alam kung paano (ewww di marunong)pero eto ngayon 1st time ko nagsimula mag post...Mahilig kasi ako magbasa ng mga blogs kung ano ano na ngang nabasa ko kaya gusto ko rin subukan.

i’ m just curious kung paano gumawa ng blog entry nakakaaliw magbasa ng mga personal, informative, humor, lifetstlye at kung ano ano pang topic.

sana magtagal ako d2 sa blog na to..at di ako mag sawa.
Isa pa kaya gusto ko magkablog para malabasan ko rin minsan ng sama ng loob,may maishare na kwento na di mo naman pwede i share sa iba,at kahitanong gusto ko mailagay...screen name ko lang yung shattered dko na lang nilagay real name ko for privacy na rin.....
hay naku saka na nga lang uli ako mag post....basta im SHATTERED hehehhe